Mahal, ipinagtanggol si Mygz molino mula sa kaniyang mga kamag-anak

Local News

Nagbigay ng pahayag ang kumidyante at actress na si Mahal o mas kinilalang si Cielito del Mundo sa totoong buhay, sa kaniyang pahayag sinabi ni Mahal “hindi ako ginagamit ni Mygz sinisira ninyo ang tandem namin”.

Dag-dag pa ni Mahal “Habang buhay na ang tandem namin. Hanggang sa uugod-ugod na ako, hanggang sa mawala ako sa mundo!” nagsimula ang tambalang Mahal at Mygz noong July 2020 at nagsama na sa iisang bahay dahil narin sa kanilang tambalan ay si Mygz narin ang tumutulong at gumagabay kay Mahal maging On/Off cam.

Saad naman ng kaniyang mga kamag-anak kay mahal, “Ginagamit kalang ng G*g*ng yan!” dag-dag pa ng isa sa kaniyang mga kamag-anak, ginagamit lamang siya ni Mygz Molino upang kumuha ng followers at magkaruon ng sariling kita sa kaniyang sariling youtube channel at dahil narin umano sa pera.

Saad naman ni Mahal sa kaniyang mga kamag-anak. “Buhay ko ito huwag na kayo mangi-alam sa desisyon at gusto ko, at huwag ninyong idamay si Mygz dahil tinutulangan niya ako, naiingit lang siguro kayo kaya gusto ninyo akong kunin, Hindi ako sasama anong gagawin ko sa Bicol mag tatanim ng kamote?.
Hirit pa ni Mahal “Ngayon palang ako makakabawi sa magulang at pamilya ko sa mga pagkukulang ko sa kanila, bakit ninyo ako papauwin? wala naman akong gagawin sa bicol.
dahil sa mga binitawang salita ni Mahal ay umalma naman ang kaniyang mga kamag-anak sa mga binitawang salita nito mula sa kanila.