Mahigit 1-Taong Gulang na Bata, Binawian ng Buhay Dahil sa Pamamålo ng Kanyang 18-Anyos na Ina!

Local News

Isang sangg0l na mahigit 1-taong gulang ang binawian ng buhay matapos na pagpapåluin ng sarili niyang ina na si Christine May Dabuit, 18-anyos at isang single mom. Nangyari ang insidente noong Abril 20 sa bahay mismo ng susp3k sa Sitio Imelda, Barangay Upper Bicutan, Taguig City.

Ayon sa imbestigasyon ay pinagpapålo daw ni Christine ang kanyang anak gamit ang rattan stick dahil umano sa pag-iyak nito.

Nahirapan umano ang biktima na huminga kaya isinugod ng susp3k ang kanyang anak sa Taguig-Pateros District Hospital (TPDH) ngunit idineklarang d3ad on arrival na ang sanggol sa ganap na 1:37 P.M. ng attending physician na si Dr. Leila Bondoc.

“Mainit na po talaga ang dugo ng anak ko roon sa apo ko, sa pangalawang anak niya, kasi wala pong tatay din ‘yan,” pahayag naman ng ina ng susp3k at lola ng biktima.

Iniulat naman agad ng ospital sa pulis ang insidente kaya agad na naaresto si Christine na susp3k sa nangyari. Ayon sa susp3k ay sinubukan lamang daw niyang patahanin ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagpålo dito ng ilang beses.

“Kung titingnan natin bata pa siya sa kaniyang edad, meron na siyang tatlong anak. Pangalawa, wala siyang trabaho, wala siyang hanapbuhay na regular. Kaya ‘yun ang nagtulak na naaaburido siya. Konting ano lang naiirita siya sa mga anak niya,” sabi ni Police Colonel Celso Rodriguez, Chief of Police ng Taguig.

Ayon sa autopsy report nagtamo ng blunt abd0minal tråuma ang sangg0l, mayroon din itong hemat0ma sa abd0men, forearm, groin area, at upper jaw, nahaharap sa kas0ng parr!cide si Christine.