Manika na kasing laki ng bata ibinebenta ng may-ari, dahilan ng kaniyang pagbenta “naglalakad ito sa gabi”

Local News

Viral ang isang human size na manika sa social media matapos itong ibenta ng may-ari, dahilan ng kaniyang pagbenta ng kaniyang manika dahil nakatambak na ito sa kanilang bahay at hindi na ginagamit ng dating may-ari dahil halos nasa 60 years old na ang manika. hango ang ganitong klase ng manika nuong dekada 1960’s-1980’s sa tambalang Guy and Pip na pinag bibidahan nuon nina Nora Aunor at Tirso Cruz at ang pangalan ng kanilang anak-anakang manika ay si “Maria Leonora Theresa”.

Natapos ang tambalang ito nang magkaruon ng samu’t saring kontrobersya nuong deka 80’s at mula nuon ay nawala narin ang mga ganitong klasing manika na mahahalintulad sa tatlong taong gulang na bata ang laki,

Buhat ng ipost ito ng ni Allan Avila sa kaniyang facebook post ay marami ang imbis na matuwa ay natakot dahil nahahambing nila ang ganitong klase ng manika sa palabas na horror movie ang “Anabelle” maraming netizen ang nag kumento ukol rito dahil kaya raw umano ito binebenta ni Allan ay naglalakad umano ito sa gabi.

 

 

Sinakyan naman ito ni Allan saad paniya “My bisyo lumalabas ng bhay sa madaling araw marunong magbukas ng pinto ng bhaynmin yun lng di marunong magsara”Umabot sa 30k shares ang post na ito ni Allan samu’t saring mga kumento narin ang naging pahayag ng netizen ukol sa kaniyang post