Manong guard, Tinitiis ang ulam na bawang at sibuyas para makatipid para sa pamilya

Local News

Nag-viral online ang sitwasyon ng isang security guard na ito dahil ang baon lamang nitong tanghalian ay kaning may sabaw na tubig, at ang ulam naman nito ay bawang at sibuyas,

Maraming netizen ang naawa sa katayuan ng sekyu na ito kwento ng sekyu, mababa lamang ang kaniyang sina-sahod upang makatipid ay ninanais nalamang niyang kumain ng kaning may tubig, at ang kaniyang ulam naman ay bawang at sibuyas dahil kung bibili pa siya ng ulam sa araw-araw ay wala nang matitira sa kaniyang sasahurin.

Nagtitiis siya sa ganitong pagkain sa araw-araw, ginagawa niya ito upang may maipadalang malaki-laki kahit papaano lalo’t may asawa’t anak siyang binubuhay.

Dad-dag pa ng sekyu hindi man siya makakain ng masarap na pagkain, gusto naman niya na kahit papaano ay makakain naman ng masarap ang kaniyang asawa’t anak.

Nakakaawa man ang kaniyang katayuan ay kinabiliban naman ito ng maraming netizen dahil, tunay ngang si kuyang sekyu ang haligi ng tahanan at mabuting asawa’t ama sa kaniyang pamilya