Masipag na 21-anyos na lalaki, Hinangaan ng mga nitizens dahil sa pagiging masipag kahit may ito’y kalahati lang ang katawan

Local News

Kilalanin ang 21 anyos na sobrang sipag kahit ito ay may kapansanan handa tumulong sa kanyang pamilya. Lubhang mahiråp ang buhay ngayon at mas lalo pa tayong pinahihiråpan ng pandemya.

Marami sa atin ang talagang naapektuhan at patuloy na naaapektuhan katulad ng mga kababayan natin na nawalan ng trabaho dahil sa pagkalugi ng ilang mga kompanya. Ngunit hindi ito dahilan para tayo ay sumuko bagkus ay lumaban at magpatuloy lamang sa mga hamon na dumadating sa ating buhay.

Ito naman ang pinatunayan ng isang 21-anyos na binata na tubong Sibsib, Tulunan, Cotabato. Nagsusumikap sa buhay at patuloy na kumakayod upang makakaraos sa gitna ng kahirapan at pandemya kahit na siya ay may kapansanån.

Makikita sa larawan na walang siyang mga paa ngunit hindi man nakakalakad ay kinakaya pa din niyang maghanap-buhay. Siya ay kinilalang si Ryan Moralidad na sa kabila ng kanyang kapansanån ay nagagawa pa din niyang magsaka at mag-uling para lamang makatulong sa kanyang pamilya. Sobrang nakakamangha si Ryan sa kanyang kasipagan para lang makatulong.

Marami naman sa mga netizens ang napabilib at talagang humanga kay Ryan. Naging isang inspirasyon siya para sa marami na kahit ano mang pagsubook ang dumating sa ating buhay ay huwag panghihinaan ng loob bagkus ay maging matatag at patuloy lamang sa pagkayod dahil sa bandang huli ay magbubunga din lahat ng ating pinaghiråpan.

Para naman sa mga taong puro reklamo ang ginagawa at hindi na lang kumilos ay gawin sana niyong inspirasyon si Ryan na kahit na walang kakayanang makalakad at walang mga paa ay kayang-kaya naman niyang maghanap-buhay.

Sa ngayon madami na humahanga at tumutulong kay Ryan dahil nagbibigay syang inspirasyon na dapat talaga maging masipag at tumulong sa pamilya kasi hindi hadlang ang kapansanan sa kanyang pangarap sa buhay.