Matanda, Pilit na Pinababa ng Driver ng Jeep

Local News

Talagang nagviral ang post na ito galing kay Peng Contreras Carpo tungkol sa isang matanda na nakasabay nila sa jeep.

Sinabi ni Peng na nagrereklamo na ang mga kasabay na pasahero ng dahil sa hindi magandang amoy ni Tatay bert.

At nang mapansin ng driver ang mga hinaing ng mga pasahero pilit niyang pinapababa ang matanda. Ngunit pinigilan ito ni Peng at sinabi na siya na lang ang magbabayad ng pasahe nito.

Nang sinabi ni Tatay bert ang dahilan nanghingi ito ng paumanhin at sinabi halos isang linggo na raw siyang walang ligo.

At nang mapansin ng driver ang mga hinaing ng mga pasahero pilit niyang pinapababa ang matanda. Ngunit pinigilan ito ni Peng at sinabi na siya na lang ang magbabayad ng pasahe nito.

Nang sinabi ni Tatay bert ang dahilan nanghingi ito ng paumanhin at sinabi halos isang linggo na raw siyang walang ligo.

Wala na kasing tumanggap sa kanya na trabaho dala na rin ng kanyang edad kaya naman naisipan na lamang niyang mamalimos. Ipinakita pa niya ang laman ng kanyang bag na mga pagkain at damit na dadalhin niya sa kanyang pamilya.

Ang masaklap pa rito, may sakit pa ang kanyang misis na kailangan pa niyang bilhan ng gamot. Nang malaman ito ng mga pasahero, halos lamunin daw ang mga ito ng hiya sa pangungutya nila sa matanda dahil lamang sa amoy nito.

Habang si Peng naman ay nagpipigil ng kanyang luha at nadurog daw talaga ang kanyang puso sa kwento ni tatay Bert. Wala pang 24 oras, umani na ng positibong mga reaksyon ang post na ito ni Peng na sana raw ay magmulat sa mapanghusga nating mga mata sa mga taong nangangailangan ng ating tulong.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Wag tayong mag husga agad sa mga taong dipa natin kilala dapat intindihin nalang natin si tatAy at dapat bago kayo mag husga tanungin nyo muna”

“Mas mbaho ang mga taong nanghuhusga ng kapwa….alamin nyo muna ang mga reason behind bgo kyo manghusga..godbless tatang…”

“wahhhh habang binabasa ko naiiyak aq ang lolo ko at tito ko dating basurero”

“God Bless Sayo Bro At God Bless din kay Tatay”

“wag kang mang husga c kapwa m bka masahol baho nyo kai tatay”

“Nakakaawa sana my tumolong kay tatay pls kung sino malapit sa lugar nila dalhin c tatay sa dswd at hingi ng financial assistance kung dto k lang sa manila tay ako na tutulong sau”

“Ganyan ang nagulang sana lang sa sunod wag naman ganyan kasi yung ibang tao nauuna yung kaartehan eh eh ano kung may amoy di naman nakakamatay yun”