Matanda, Pilit na Pinababa ng Driver ng Jeep

Local News

Talagang nagviral ang post na ito galing kay Peng Contreras Carpo tungkol sa isang matanda na nakasabay nila sa jeep.

Sinabi ni Peng na nagrereklamo na ang mga kasabay na pasahero ng dahil sa hindi magandang amoy ni Tatay bert.

At nang mapansin ng driver ang mga hinaing ng mga pasahero pilit niyang pinapababa ang matanda. Ngunit pinigilan ito ni Peng at sinabi na siya na lang ang magbabayad ng pasahe nito.

Nang sinabi ni Tatay bert ang dahilan nanghingi ito ng paumanhin at sinabi halos isang linggo na raw siyang walang ligo.

Habang si Peng naman ay nagpipigil ng kanyang luha at nadurog daw talaga ang kanyang puso sa kwento ni tatay Bert. Wala pang 24 oras, umani na ng positibong mga reaksyon ang post na ito ni Peng na sana raw ay magmulat sa mapanghusga nating mga mata sa mga taong nangangailangan ng ating tulong.