Matandang dayuhan, Namumulubi at pagala-gala matapos iwan at ubusin ang pera ng kanyang Pinay na nobya

Local News

Ang magkaroon ng isang masayang pamilya at sariling tirahan at sapat na makakain sa pang araw-araw ang siyang una natin kailan sa ating buhay.

Kaya masakit isipin at makita kapag ang malapit sayong buhay ay nahaharap sa malaking problema.

Katulad na lamang ng isang banyaga na si David Dobson isang British National may edad na 74 years old.

Ayon sa kwento ni David iniwan siya ng dati niyang ka live-in na Filipina pinabayaan siya nang walang-wala simula noon ay naging isang palaboy.

Si David ay paggala-gala na lamang siya sa lansangan na halos wala na siya makain, mabuti na lamang ay napadaan siya sa simbahan Seventh Day Adventish Church sa may Sibionga Chapter.

At doon ay nakausap ni David si Maam Julie Ann at ang unang sinabi ng banyaga ay maari maka hingi ng pagkain dahil tatlong araw na daw siyang hindi kumakain.

Nakakaawang pagmasdan si David dahil siya ay payat, iba na ang amoy at meron pa siyang ubo at lagnat.

Agad itong tinulungan ng simbahan ito ay dinala sa hospital para gamutin ang lahat ng gastos ay sinagot ng simbahan.

Sa tulong ng simbahan ay gumaling si David at sa awa ng Diyos ay naging maayos siya.

Simula noon ay tuwing sabado ng hapon at pagtapos ng misa ay binibigyan siya ng pera para sa kaniyang buong linggong panggastos at pangkain.

Dagdag pa ni David na siya umuwi sa isang lugar sa bundok at ubod ito ng layo sa bayan ng Sibionga.

Naikwento din niya na ang kanyang tanging hinihigaan at tinutulugan ay isang maruming sementong sahig walang unan walang kumot.

Hindi rin makapaligo dahil sa kawalan ng tubig. Nahihirapan din i-process ang kanyang mga papeles dahil wala na din palang British Console sa Cebu dahil ito ay nailipat na sa Maynila.

Ito ang kanyang problema ngayon kung paano siya makakabalik sa kanyang bansa. Wala siyang mga dokumento lalong lalo na ang pinakaimportante ang passport.

Gustuhin mang matulungan ang matandang banyaga ngunit kinakapos pa din daw sa perang ipang gagasta para sa mga transportasyon at mga bayarin. Sana ay matulungan natin si Tatay David.