May ari ng Luxury Car, walang maipakitang dokumento ng sasakyan matapos siyang hulihin

Local News
12 colorum na van at isang luxury sports car ang nahuli sa I-ACT sa cavitex. Hindi bababa sa 12 van na colorum o walang permit ang nahuli ngayong martes kasaba’y rin sa nahuling sasakyan ang isang luxury car red “Chevrolet Corvette”. 

Pumakaw ito ng atensyon sa maraming netizen sa kadahilanang walang maipakitang permit na ang may-ari nito, napag-alaman rin na ang halaga nito ay aabot sa 8.5milyong piso wala ring maibigay na orcr o kopya ng kaukulang dokumento ang may-ari ng sasakyan.

 

Maari itong maipound at aabot lamang ang multa nito sa halagang 10.000 pesos mas mababa kumpara sa mga colorum na van na aabot sa halagang 200.000 ang impound.

Dipensa naman ng ilang netizen hindi naman kasi pampasada ang sports car kaya okay lang ang impound ay 10.000 kumpara sa colorum na pumapasadang van na 200.000 pesos ang multa dahil kawawa naman ang mga lisensyadong van na walang kinikita dahil sa mga colorum na ito.

Samantala patuloy naman ang pag iimbestiga sa may-ari ng luxury car dahil sa walang maipakitang dokumento nito.