May-ari ng mamihan sa Pampanga, walang-awang pinagtripan ng mga kabataan

Local News

Pinagtulong-tulongan ng ilang kabataan ang may-ari ng isang mamihan sa Poroc Pampanga. ang mamihan na ito ay kilala sa pangalang “SUGAR MAMI”

Ayon sa salay-say ng may-ari ng mamihan sinita raw niya ang mga kabataan na ito matapos, makailang beses na makitang nangti-trip sa mga dayo at makailang beses rin niya itong nakitang naninira ng ilang property sa lugar

Dag-dag pa ng may-ari sakit talaga sa ulo ang mga kabataan na ito kaya naisipan niyang pagsabihan ang mga magulang nito dahil kilala naman niya ang mga kabataan at tiga rito lang naman daw sa kanilang lugar.

Ngunit hindi niya akalain na matapos niyang kausapin ang mga magulang ng ilang kabataan ay babalikan siya nito at makailang beses siyang pinagtulongan bugb0gin hanggang siya ay mawalan ng malay.

Hindi pa nakuntento ang grupo tinangka pa umano ng mga ito na sunugin ang kaniyang mamihan at nagtirik pa ito ng kandila sa harapan niya matapos niyang mawalan ng malay.

sa Ngayon nag-papagaling na ang may ari ng mamihan sa Ospital at nag pa blotter na sa mga kabataan na sa ngayon ay nag tatago na.