Mga Higanteng Grotto ng Diyos na Ama, Diyos na Anak at Diyos na Epiritu Santo, Mapaghimala?

Local News

Ilan sa mga komento ng mga nakaranas ng himala sa mga higanteng grotto ng dyos ama, anak at espiritu:

“Hindi ako nakakalakad. ‘Yung tuhod ko, namamaga. Nagpa-doctor ako, wala naman daw silang sakit na makita. Pumunta ako doon sa Grotto. Dinasalan ako. Kinabukasan, nakalakad na ako!

Tapos nitong nakaraang taon naman, nagkasakit ‘yung asawa ko. Nag-lock ‘yung panga niya, umurong ‘yung dila at hindi na makalakad. Pumunta kami sa Grotto. Pagbalik namin, nakakakain na siya. Isang linggo lang, nakapasok na siya ulit sa trabaho!”


-Virginia

“Limang araw akong hindi makakita. Nilalagnat ako. Masakit din ang ulo ko nu’n. Nagpunta ako doon sa manggagamot sa Grotto. Nagdasal kami. Tapos hinilot ako. Unti-unti na akong nakakita!
-Marcela

” Ang himala pong naranasan ko dito sa Grotto ‘yung naibsan ‘yung nararamdaman kong lungkot. Nawalan kasi ako ng anak. Halos mawalan na rin ako ng pag-asang mabuhay. Pero nagpe-pray lang ako lagi rito na bigyan ako ng lakas ng loob. Sa pagdarasal, naibulong ko sa Kanya ‘yung nararamdaman ko at nalalagpasan ko ang mga pagsubok na ibinabato sa amin.”
– Winnie