Mga nakuhang I.D. ng carshow model na inaresto matapos manakit ng traffic enforcer, iba-iba ang pangalan

Local News

Patong-patong na reklamo ang sinampa sa babaeng motorista na nahulicam na nanakit ng MTPB enforcer.

Pero hindi lang pala ito ang asulto ng babae, dahil ngayon pinaghihinalaan narin siya ng mga pulis na isa syang drug courier.

Ayon sa ulat ni Rod Vega sa Super Radyo dzBB, sinabi ng hepe ng MPD-SMaRT na si Police Colonel Rosalino Ibay na nagsagawa sila ng isang follow-up operasyon matapos silang makahanap ng impormasyon sa cellphone ng motoristang si Pauline Altamirano na posibleng nasangkot siya sa mga transaksyon ng droga.

Isang buy-bust operation ang isinagawa ng District Drug Enforcement Unit at MPD-SMaRT sa Cecilia Muñoz Street sa Ermita, Manila.

Naaresto sina Redentor Sanchez, Leopoldo Samero, Jason Santiago, at Marlon de Guzman, na nakuhanan ng ilang gramo ng droga na nagkakahalaga ng P35,000.