Mga resulta ng drug test sa mga kaibigan ni Christine Dacera, ipinakita na

Local News

Narito ang mga pinakabagong kaganapan sa flight attendant na si Christine Dacera.

Lumabas na ang isa sa pinaka aabangang impormasyon kaugnay sa kaso ng namayapang flight attendant na si Christine Dacera.

Inilabas na ang drug test results ng kanyang mga kaibigan na kasama niya sa loob ng room 2209.

Negatibo sa drúg test ang limang akusado sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera.

Ipinakita nila ang aktwal na resulta ng ginawa sa kanilang drúg test noong Enero 11.

“Ito po ang drug test ng aming mga kaibigan, na nagpapatunay na NEGATIVE po ang kanilang result. Wala pong nagdala o gumamit ng droga sa kanila, malinaw po ang test. ”