Mister na namatayan ng misis pagkasilang sa kanilang triplets, dinagsa ng tulong

Local News

Marami ang humanga napakabuting ama na si Joel Orbello Regal. Matapos na mag-viral ang kanyang post sa paghingi ng tulong na mapadalhan ng breastmilk ang kanyang triplets, dinagsa na ito ng tulong.

Nalaman na pumanaw na ang misis ni Joel sa panganganak nito sa kanilang mga supling.

Aminado si Joel na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang biglaang pagkawala ng misis na sobrang excited na sana na makita ang triplets.

Dahil dito, lakas loob nang humingi ng tulong si Joel sa pamamagitan ng social media para mapadalhan ng breastmilk ang kanyang mga anak.

Talagang nagugulat daw siya sa pagresponde ng mga taong nagmalasakit na bigyan sila ng breastmilk lalo na at ilan pa sa mga ito ay nagbibigay din ng mga diaper.