Mister naglalagay ng pera sa labahin para ganahan maglaba si misis

Local News

Pagdating sa paglalaba, eksperto at wala ng makakatalo pa sa pagiging malinis diyan ni nanay.

Ang paglalaba ay hindi nga naman madali dahil bukod sa masakit sa kamay at likod, maaari ring magkasugat-sugat ang mga kamay lalo na kung maraming labahin.

Alam na alam ito ni Marvien Cascato kung gaano kahirap ang paglalaba. Kaya naman may naisip siyang ideya upang ganahan ang kanyang misis sa paglalaba.Pagdating sa paglalaba, eksperto at wala ng makakatalo pa sa pagiging malinis diyan ni nanay.

Ang paglalaba ay hindi nga naman madali dahil bukod sa masakit sa kamay at likod, maaari ring magkasugat-sugat ang mga kamay lalo na kung maraming labahin.

Alam na alam ito ni Marvien Cascato kung gaano kahirap ang paglalaba. Kaya naman may naisip siyang ideya upang ganahan ang kanyang misis sa paglalaba.

Naisipan ni Marvien na lagyan ng pera ang bulsa ng kanyang pantalon upang kapag naglaba ang kanyang misis ay matuwa ito.

Nag-viral ang naturang post ni Marvien na ikinatuwa ng mga netizen. Maganda umano ang kanyang ideya para hindi na magreklamo ang mga misis habang naglalaba.

Saad pa ni Marvien, iniiwan niya ang pera upang matuwa ang kanyang misis at may pang merienda ito.