Mystica, May Mensahe kay Angel Locsin: “Wala kang utak. Wala ka nun!”

Local News

Binatikos ng singer-comedian na si Mystica ang aktres na si Angel Locsin dahil sa ginawa nitong community pantry kamakailan. Kasabay ng pagdiwang ng ika-36 na kaarawan ni Angel Locsin ay gumawa siya ng community pantry sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City. Dahilan ito ng pagdagsa at nawalan ng kontrol ng pagpunta ng mga tao. Hindi na rin nasunod ang ilang safety protocols na mahigpit na ipinapatupad gaya ng social distancing dahil dikit-dikit na ang mga tao.

Naging dahilan din umano ang community pantry ni Angel Locsin sa pagkawala ng isang matandang lalaki. Dahil sa kainitan at mahabang pila sa naturang community pantry ay inatake sa puso ang matanda at binawian ng buhay.

Marami naman ang nagtatanggol kay Angel dahil ang nais lamang umano ng aktres ay magbahagi ng tulong sa kapwa at hindi naman niya ginustong malabag ang ilang safety protocols at pagkasåwi ng matanda.

Nauna ng nagbigay ng pahayag si Angel Locsin sa kanyang social media accounts na humihingi siya ng paumanhin dahil sa nangyaring insidente. Hindi niya daw nais ang nangyari dahil ang layunin lamang niya ay makatulong sa mga tao.

Sa isang video na kumakalat sa social media ay binatikos naman ni Mystica ang aktres. “Ang kapalit ng gulay, buhay. Kung ‘di ba naman kagag*han ‘yun. I am not against the others na gumagawa ng ganun. Pero ito, totally different story. Magbubuwis ng buhay eh. May tao na talagang nag-suffer.”

“Para kay Mystica ay pagpapasikat lamang diumano ang ginawa ni Angel, “Ang ginawa mo lang is mgapasikat. Tumawag ka pa ng media tapas caught in the act ka pa. Nakita sa Facebook at Youtube na nag-aabot ka sa press people. There you go, di ba publicity? My goodness! ‘Wag niyo sabihin na mas magaling pa kayo sa gimik. Ako, sumikat ako kasi pinaandar ko ang pera ko noon at isa ako sa pinakakontrobersyal noon. Ang I know kung paano ang lakad ng showbiz. Pera lang ‘yan, istant ka. kaya nga sumikat agad, ‘di ba?”

Ang tinutukoy umano ni Mystica ay ang video kung saan nakuhanan ang pag-abot umano ng pera ni Angel sa isang tao na nakasuot ng ID ng GMA. Nilanaw naman agad ito ng GMA Network, hindi umano nila empleyado ang nasabing lalaki. Ito daw ay dating make-up artist ni Angel noong artista pa siya ng GMA.

“I know your hidden agenda. I’m talking because I’m expert here. Ako ang number one diyan.”

“It will be exposed, ang mga kagag*han, katar*ntaduhan at kasinungalingan at pagbabalat-kayo niyo. At tama nga naman dahil wala kang emosyon kung [email protected] mga tao doon dahil sa pagpapasikat mo. Inisip mo ba na baka si lolo, lola, [email protected] kakapila dyan? Kasagsagan ng tanghali, kasagsagan ng init ng panahon. Kasagsagan ng C0VID-19.

“Paiyak-iyak ka pa at sorry kunwari. Puny3t* ka! Sana iniisip mo ‘yung tao. Wala kang utak. Wala ka nun. Akala ko pa naman may utak ka.”

“Ang Diyos kaya niya i-provide lahat pero si [email protected] nagpapanggap na kaya niya gawin lahat, kaya niya tulungan lahat at isa ka na dun! Para kang si [email protected], nagbabalat-kayo!