Naiyak Na Lamang Matapos Sirain Ng Mga Awtoridad Ang Kaniyang Mga Paninda

Local News

Hindi maipagkakaila na napakalaking epekto ng dulot sa atin ng pand3miya. Halos lahat ng lugar sa bansa ay kinailangan sumailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa atin mula sa nakakahawang s4kit.

Dahil dito, marami sa atin ang nawalan ng negosyo, hanapbuhay, at ang ilan ay kinailangan ng isarado ang kanilang mga negosyo dahil sa papalugi na ito.

Kaya naman karamihan sa atin ay kinailangan ng magbanat ng buto upang makaraos sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Ang ayuda naman na ibinibigay ng gobyerno ay hindi din sapat dahil sa dami ng mga Pilipino na salat sa buhay.

Kagaya na lamang ng ginang na ito na sa kabila ng kaniyang edad ay pinili pa din na magtinda sa kalsada para kahit papaano ay mayroon siyang maibigay sa kaniyang pamilya sa kanilang pang-araw-araw.

Ngunit alam naman natin na ipinagbawal na ng pamahalaan ang pagtitinda sa gilid ng kalsada para gumanda at luminis ang ilang lugar sa bansa. Kaya naman si Lola ay isa lamang sa mga nagtitinda ang napatalsik mula sa kanilang pagtitinda sa gilid ng kalsada.

Ayon sa mga awtoridad, kinailangan nilang paalisin, kuhanin, at sirain ang paninda ng ilan para hindi na ulitin pa ng mga tao na magtinda sa gilid ng kalsada.

Sa mga larawan na ibinahagi ng netizen na si Kevin Crispino, makikita ang ginang na naluluha na habang pilit na inaayos ang kaniyang mga paninda na nasira.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang naawa sa kalagayan ni Lola at pati na din sa mga vendor na nakaranas ng ganitong sitwasyon matapos silang paalisin mula sa pagtitinda sa gilid ng kalsada.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

“It’s really heartbreaking, but on the other hand, actions are taken lawfully. Also in behalf of implementing laws, it is indeed a tough decision making especially on this kind of scenario where they have to scale good and right thing to do. How I wish things will work for the benefit of everybody, to see brighter picture without feeling the blues. ”

“Nothing is wrong if we follow the rules but please before we follow the rules make sure that y’all up there are treating us right. Wag kayo magbulagbulagan kung sino talaga ang naaapektuhan. As an official you have the power and responsibility to do things right, and we citizen are responsible to follow it for the sake of peace, consideration and disciplinations. MANNERS STILL MATTERS” “Wag sana dumating sa puntong kayo mismo maranasan nyo mga nararanasan ng mga vendor. Sa kakarampot na kikitain na ipinag dadamot nyo. Bilang isang vendor mas4kit yan para samin.

advertisement