Nakakaawang Bata, Akala niya ay Natutulog Lamang ang Kanyang Ina, Hindi Niya Alam na Wala na pala Itong Buhay!

Local News

Mahirap ang makakita ng ganitong klase ng senaryo, ‘yung anak na walang kamuwang-muwang at inaakala na natutulog lamang ang ina kahit na ito ay wala ng buhay.

Isang facebook post ang lubhang dumur0g sa puso ng mga netizen. Makikita sa mga larawan na ang isang batang lalaki ay nakapwesto sa hinihigaan ng kanyang ina at inaakalang natutulog lamang ito. Wala siya kaalam-alam na ang kanyang ina ay binawian na ng buhay.

Ayon sa facebook post ni Emb Soirrab Paciteng noong Abril 13, sinabi nitong nakakadur0g umano sa pus0 ng isang ina kung makita niya ang kalagayan ng kanyang anak sa ganitong sitwasyon at walang kamalay-malay sa nangyari sa kanyang ina dahil ang alam lamang nito ay natutulog lamang ang kanyang ina.

“Nakakadurog ng puso bilang ina na makita ang anak mo sa ganyan sitwasyon. yung anak mo walang kamalay malay sa ngyari sayo. ang alam nya natutulog ka lang. gising na bhe,” ani ng uploader.

Mabilis namang kumalat ang post na ito sa social media. Sa ngayon ay umabot ng ng 55k reactions, 4.6k comments at 42k shares ang naturang post.

Marami naman sa mga netizen ang nakikiramay sa pamilyang naulilÄ nito. Karamihan din sa mga netizen ay lubhang nakaramdam ng awa sa sitwasyon ng bata dahil talaga naman nakakadur0g ng pus0 ang sitwasyong ito.