Nangangailangan ng Tulong dahil sa Malubha Nitong Karåmdaman, Ina na Halos Buto’t Balat

Local News

Malaking bagay din sa atin ang makabagong teknolohiya gaya ng mga gadgets at internet dahil mas napapadali para sa atin ang dating mahirap gawin. Gaya na lamang ng paghingi ng tulong, maaari ng gamiting ang makabagong teknolohiya para lumapit at manawagan sa mga tao kung ikaw ay nangangailangan at kung ikaw ay wala ng iba malapitan at magawa.

Gaya na lamang ng isang concerned netizen na si Gemma Grezola Diaz, upang siya ay makatulong sa kanyang kapit bahay na si Lorna Padua Buenvieje na may malubhang karamdaman ay ibinahagi niya ang ilang larawan nito. makikita sa larawan na halos buto’t balat na si Lorna.

Si Lorna ay 40-anyos na ina at may dalawang anak. Nakatira sila sa San Carlos City, Pangasinan. Kaya naman, lumalapit at kumakatok sa puso ng mga tao si Gemma para kay Lorna na nangangailangan ng tulong.

Para sa may mabubuting kalooban at nais mag-abot ng tulong ay narito ang kabuuan niyang facebook post:

“Hello po mam/sir humihingi po ako nang kaunting tulong para po sa kapitbahay po namin na si Lorna Padua Buenvieje 40 years old may dalawang (2) anak siya po ay nakatira sa Pangalangan San Carlos City, Pangasinan, siya ay nahihirapan sa kanyang karamdaman..gusto ko siyang matulongan ..Kaya po sa mga mabubuting loob dyan kelangan po ng tulong Ang pamilya niya Sana nawa’y matulungan sila..
Pakishare nalang po salamat.
Sa mga nais tumulong …
GCASH # 09298504635 Gemma Grezola Diaz”