Netizen, Naawa Sa Isang Rider Na Matagal Naghintay Pagbuksan Ng Pinto Ng Customer Para Maideliver Lang Ang Parcel

Local News

Sa panahon ngayon, napakadali na lang umorder online. Isang click mo lang ay agad-agad mo nang mabibili ang nais mong bilhin at idedeliver pa ito mismo sa iyong bahay na wala ka nang aalalahanin pang iba kundi ang ihanda mo na lamang ang iyong pambayad.

Ganito man ka-convenient ito sa atin, huwag nating isang-tabi ang sakripisyo ng mga taong nagtatrabaho sa mga courier services tulad ng mga delivery riders para lang maihatid ng maayos ang ating mga orders/ parcels. Dahil kahit umulan man o kahit tirik ang araw ay patuloy ang kanilang paghahatid ng mga orders sa kanilang mga customers.

Isang netizen ang naglabas ng kanyang saloobin matapos makita ang isang rider sa gitna ng kainitan na naghihintay sa labas ng gate ng kanyang customer.

Kwento ng netizen na si Clariss Glorio, nakita nita diumano ang eksenang ito sa nang mapasilip siya sa gilid ng kanilang gate.

“Naghihintay si kuyang rider sa gitna ng initan, hawak ang maliit na plastic bag kumakatok para pagbuksan siya. Ilang minuto ng nakalipas naghihintay pa din siya. Sa totoo lang sa panahon ngayon, napaka helpful ng mga online shops. Mga rider na nag ri-risk ng buhay para wag na tayong lumabas. Pero nakakalungkot lang na may mga taong walang pagmamalasakit, sana kung alam na COD (cash on delivery) maghanda ng saktong pera, makikita naman sa apps kung kailan idedeliver yung order mo, so kung ngayon nakalagay at nag message na sayo ang courier anticipate mo na anytime of the day pwede na ideliver para makapaghanda ka. Hindi ka na nagpabalik balik, nakasave ka pa ng oras ni kuya.”

Marami na kasing mga pangyayari na kung saan pinaghihintay ng matagal ng mga customers ang mga nagdedeliver na riders. Minsan nariyan na sila sa labas ng inyong gate ay hindi pa nila agad ito bayaran o kunin agad.

May pagkakataon din na minsan, ang ibang mga customers ay nagagalit pa sa tuwing may magdedeliver sa kanila dahil raw ‘naiistorbo’ sila.

Dagdag ni Clariss,

“Hindi lang tayo ang pupuntahan ni kuyang rider, marami pa. Ano ba naman yung ihanda mo na yung pambayad ahead of time para i-abot na lang sa kanya, imagine pipiktyuran ka pa niya bago siya umalis. Maswerte na tayong nasa bahay lang hinihintay yung mga kailangan natin. May mga pamilya at anak silang araw-araw nagdadasal harinawa maging maayos ang pagtatrabaho nila sa daan. Kaya sana naman bukod sa maging mabait, magalang, matutong magpasalamat para maginhawa ang isip nila sa daan ng malayo sila sa kapahamakan at magkaroon din tayo ng pagmamalasakit para sa kanila.”

Magsilbi sana itong paalala sa lahat na magkaroon ng malasakit at konsiderasyon lalo na sa mga taong nagbubuwis ng kanilang buhay para lamang mapagsilbihan tayo at maihatid ang kanilang serbisyo.