OFW na nag TikTok sa loob ng Mosque sa Saudi, humagulgol Dahil sa Pagkawala ng Trabaho

Local News

ibak sa trabaho ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia matapos itong mag sayaw sa loob ng isang Mosque upang mai-post niya sa kanyang Tiktok.

Itinago sa pangalang “JM” ang babaeng OFW na nahaharap ngayon sa posibleng deportation dahil sa diumano’y hindi nito pagpapakita ng respeto sa loob ng bahay dasalan ng mga Muslim sa Al-Khobar.

Depensa ni JM ay hindi naman malaswa ang kanyang ginawang pagsasayaw sa loob ng Mosque.

“Monday po mga before 10:00 or 9:00 am ay nakaabot po agad sa office [ang Tiktok video]. Tinawagan po yung manager ko na burahin ko yung Tiktok ko na sayaw pagkatapos po pumunta po yung investigator sa store tapos hindi na ako nakapasok. Itong Thursday ay nalaman ko na terminated na ako,”

Inulan kahapon ng negatibong komento ang ginawa ni JM dahil kilalang mahigpit ang Saudi Arabia sa pagpapatupad ng kanilang relihiyon.

Posibleng hindi na makabalik ng Saudi at sa iba pang gulf states ang nasabing OFW dahil sa kanyang kagagawan.