Palaboy na naglalako ng ballpen sa kalye kasama ang anak, gumanda na ang buhay nila ngayon

Local News

Nakikilala nyo ba ang mag ama na ito na nagviral ang kanilang larawan sa socila media kung saan makikita mo ang isang ama na karga ang batang babae na kanya palang anak habang ito ay naglalako ng ballpen sa lansangan.

Naging kahabag-habag ang sitwasyon ng mag-ama na halos umiiyak na daw ito habang nagtitinda, tila nagmamakaawa sa mga mamimili na bilhan siya at marahil ay gutom na rin sila.

Kinilala nga ang lalaking ito na si Abdul Halim al-Attar, isang Syrian refugee na naninirahan sa bansang Lebanon. Samantala, matapos nga na kumalat ang larawan na ito no ni Abdul kasama ang kanyang anak na karga karga niya, ay sino nga bang mag-aakala na dahil dito ay nagsisimula na mabago ang buhay nila.

Nang kumalat nga ang naturang larawan, ay mayroong isang tao na nag magandang loob na tulungan siya, at ito nga ang naging daan para matupad niya ang mga pangarap niya para sa kanyang pamilya.

Binigyan siya ng IndieGoGo ng $191,000 o humigit kumulang na 10-milyong piso. Ang pera ngang ito ay buong puso niyang tinanggap.

Sa ngayon ay namamahala ang mag ama ng isang negosyo na kanilang ginagamit pangtustus sa kanilang pang araw araw.