Pamilya Dacera, hindi daw s Christine ang nasa kumakalat na SPG Video

Local News

Hindi mapigilan ng kampo ng pamilya Dacera na madismaya sa mga kumakalat diumanong “rated SPG” na mga video ng flight attendant na si Christine.

Inilahad ng tagapagsalita ng mga Dacera na si Attorney Brick Reyes na may ilang video na kumakalat ngayon sa internet kung saan makikita ang diumano’y pribadong mga gawain ng flight attendant kasama ang isang lalake.

Hindi naman nila malaman kung bakit may kumakalat na video ngunit sinabi nila na nakakasira ito sa reputasyon ni Christine.

Handa naman silang ipahanap sa mga otoridad ang taong nasa likod ng pagpapakalat ng nasabing video.

Ayon naman sa ilang nakakitang netizens ay hindi naman daw sigurado na si Dacera ang nasa video.

Maari daw na kawangis lang ito ng flight attendant o edited na lamang ang nasabing video.

May ilan naman na hinimok ang mga nasa likod ng pagkalat ng video na tigilan na si Dacera dahil naihatid na ito sa kanyang huling hantungan.

Samantala ay tuloy parin ang haharapin ng kaso ng mga huling nakasama ni Dacera noong Enero 1, kasama na rito ang kanyang mga “best friend”.

Matatandaan na idiniin ang isang hairstylist noon sa nangyari kay Christine, ngunit binawi ito bigla ng mga respondents dahil pinilit lang daw sila ng mga otoridad na gumawa ng kwento.

Mariin namang itinanggi ng mga otoridad na pinilit nila ang mga respondents na gumawa ng istorya para madiin ang isa sa kanila.