Pamilya nagkaroon ng limpak limpak na pera dahil sa “Ipon Challenge”

Local News
Isang netizen na si Abby Sarmiento Mendoza ang nagbahagi ng kanilang “Ipon Challenge” na sadyang kinabiliban ng nakararami.

Sa dami nga naman ng gastusin at mahal ng bilihin sa pang araw-araw nating buhay ay sino ba naman ang hindi mamamangha sa pagtitipid ng pamilyang ito.

Isang malaking kahon na tila gawa sa salamin kung saan makikita ang nasa loob nito, ang napagdesisyonang gawing alkasnya ng pamilya.

Di’ tulad ng tradisyonal na mga lata o “piggy bank” minabuti nila Abby na gumamit ng isang malaking lalagyanan na maikukupara sa parisukat na tambyolo upang mas maeganyo at mas magpursigi silang mag ipon, dahil nakikita nila ang laman at ang progreso ng kanilang perang iniimpok.

Makalipas ang isang taon, binuksan ng pamilya ang kahon na naglalaman ng sandamakmak na pera at laking gulat na lang ng mga ito nang halos dalawang kama ang mapuno matapos ikalat ang mga naipong kwarta.

Mabilis na kumalat sa social media ang mga litratong ibinahagi ni Abby, kaya naman marami ring mga netizens ang gustong gumaya sa “Ipon Challenge” tulad ng ginawa ng pamilya ni Abby.

Ngunit mayroon ding hindi natuwa at nagbigay ng mga paalala sa pamilya.

Narito ang ilang mga komento: