Panoorin! Anak ni Eddie Garcia Na si Erwin Garcia Pumanaw na sa edad na 65.

Local News

Pumanaw na ang ang pangalawa sa tatlong anak ng legendary actor na si Eddie Garcia.

Ito ay si Erwin Garcia na sumakabilang-buhay kasabay ng kanyang 65th birthday, March 13.

Batay sa impormasyon, cirrhosis of the liver ang naging karamdaman ni Erwin at na-comatose ito habang naka-confine sa isang ospital sa San Juan City.

Siya na lamang ang nag-iisang buhay na miyembro ng pamilya nina Eddie at asawang si Lucilla Scharnberg.

Nabatid na hindi naman sinundan ni Erwin ang yapak ng kanyang ama sa showbiz, pero naging kaibigan siya ng maraming artista.