PANOORIN! | MMA Instructor, Sinipa sa Mukha ang Kanyang Baguhang Estudyante sa Kanilang Sparring

Guide, OFW News

Isang MMA Instructor ang binatikos dahil sa ginawa nito sa isa niyang baguhang estudyante.

Ayon sa post ng isang MMA Professional na si Jason Vergara, hindi umano tama ang ginawa ng isang MMA instructor sa isang estudyante dahil binully nila ito.

Makikita sa video ang ginawang pagsipa ni Mixed Martial Arts (MMA) Instructor na si Nick Primavera sa baguhan niyang estudyante.

Dahil sa ginawa ni Primavera sa kanyang estudyante ay maraming netizen ang nagalit dahil sinipa niya ito sa mukha sa kanilang sparring.

Ayon pa umano kay Vergara ay kinunsinti pa umano ng mga kasama ni Primavera ang ginawa nito sa lalaki at wag umanong gamitin ang kaalaman niya sa muaythai para mang-bul1y ng tao.

Nais din linawin ni Vergara na ipinost niya ang video dahil gusto niyang maturuan ng leksyon si Vergara dahil sa ginawa nito.

“Linawin ko lang po madami galit sakin dito hndi ko entensyon na mag pakisat sa post nato kaya ko pinost mga ma’am/sir para matuto sya at maturuan ng leksyon hndi porket may alam sya gagamitan nya sa pambubully nya, nagulat at nasaktan lang po ako sa napanood ko sa tingin nyo ba tama yon. Sorry po mga galit jan sakin,” paglilinaw ni Vergara.

Narito ang kabuuang post ni Jason Vergara sa kanyang Fb account,

Shout-out sayo sir Nick Primavera sa tingin mo ba tama ginawa mo sa Bata na hindi naman alam ang gagawin nya. No to bullying sir!!

Kunsintidor pa mga kasama mo. Dapat sayo mawalan ng trabaho?!

Wag mo gamitin kaalam mo sa muaythai para sa pambubully mo nakakainit ka ng dugo sir !!!