Panoorin | Tahanan ng Pamilya Gregorio’ Natapos na sa tulong ni Idol Raffy Tulfo!

Local News

Kamakailan lamang ay kumalat ang video sa Social Media maging sa balita ang kalunos-lunos na sinapit ng mag-ina sa kamay ng isang alagad ng batas na si Jonel Nuezca.

Tungkulin ng mga kapulisan na protektahan ang mga tao sa mga masasama, ngunit isang pulis ang nabalitang ginamit ang kanyang pagiging isang pulis sa maling paraan at kumitil ng dalawang buhay sa harapan ng kanyang anak at sa harap ng kaanak ng mga biktima.

Dahil dito, nakarating kay Idol Raffy Tulfo ang balitang ito kaya naman inabutan niya ng tulong ang mga pamilyang naulila. Hiling ng naulilang asawa ni Aling Sonia na mapatapos ang pinapangarap nilang tahanan sa Tarlac na kung saan nangyari ang tråhedyang nangyari sa kanila.

Nagpunta ang ilang staff ng programa Raffy Tulfo in Acti0n sa Tarlac upang ipaabot ang tulong ni Raffy Tulfo. Tinupad ni Raffy Tulfo ang pinangako nito sa asawa ni Aling Sonia. Natapos nang mapaayos ang bahay na matagal na nilang pinapangarap noong nabubuhay pa lamang ang mag-ina.

Mapapanood sa video ang mga tulong na pinaabot ni Raffy Tulfo gaya ng pang bayad sa mga kagamitan pang-pagawa ng bahay, pang-bayad sa labor para sa mga contraction workers na nagkakahalagang P120,000 at negosyo na nagkakahalaga ng P25,000.

Ayon naman sa mga naulilang pamilya nila Aling Sonia at Anton, hindi man nila nakikita ang pisikal na kaanyuan ng mga-ina ay nararamdaman naman nilang kasama nila ito dahil nasa puso at isip pa din nila at nakatanim pa rin sa kanila ang masasayang alaala noong nabubuhay pa ang mag-ina.

Lubos naman ang pasasalamat nila sa programa ni Idol Raffy dahil sa pagtupad nito sa kanyang pangako at pagtulong sa kanila ng buong puso.