Panoorin: Traffic enforcer, Nanghuhuli ng walang violation

Local News

sang traffic enforcer ang nag viral ngayon dahil umano sa panghuhuli ng walang violation. Nangyari ito sa San Jose Del Monte Bulacan.

Sa post ni Allan Almonte Antonio ay bakit daw hindi masagot ng enforcer ang tanong niya kung ano ang ginawa niyang violation. Ang enforcer ay nag ngangalang Cristobal sa kaniyang post.

Ang paliwanag ni Allan dito sa isang enforcer na nag-ngangalang sir Delos Santos ay kinukuha ni sir Cristobal ang kanyang lisyensya at tinatanong niya kung ano ba ang violation niya pero walang naisagot at nais pa din kunin ang kanyang lisensya.

Dagdag pa ni Allan na ibibigay niya ang kaniyang lisensya basta ipaliwanag na mabuti kung bakit niya ito ibibigay kung ano ang violation na nagawa niya. “apprehending officer ka, hinuhuli mo ko dapat bago mo kunin lisensya ko ipaliwanag mo kung bakit moko hinuhuli”- ani niya.