Panoorin | Video ng Pangungumpiska ng Awtoridad sa Paninda ng Babae, Viral sa Social Media!

Local News

Animo’y nag-aagawan ang isang babae at isang lalaki na awtoridad dahil tila kinukumpiska nito ang isang lagayan ng paninda. Makikita sa video na nagkalat din ang mga prutas sa kalsada at marami ding mga tao na nanunuod sa eksenang ito.

 

Maririnig naman ang sigaw at malakas at malalim na paghinga ng babae habang nakikipag-agawan sa isang awtoridad.

Sa panahon ngayon ay kanya-kanya ang bawat isa sa atin kung paano makakarao sa buhay. Ngunit may ilan na hindi mapgilan na sawayin ang mga ipinapanukala ng gobyerno. Siguro ay may nailabag ang babae kaya ginawa ito ng isang awtoridad.

May ilang video na din ang lumabas gaya ng ganitong pangyayari. Ang ilan ay naaawa sa mga tao na pinapaalis ng mga awtoridad sa mga lugar kung saan sila nagtitinda at sa lugar na din na ‘yon ay mahigpit na pinagbabawalan ang mga nagtitinda.

Ngunit, ayon sa ilang netizen ay sobra na ang ganitong pag-papaalis sa kanila. Dahilan ng iba ay paano sila mamumuhay at makakaraos sa pang-araw-araw kung ang tanging ikinabubuhay nila ay ipinagbabawal at ipinagkakait pa sa kanila.

May ilan naman na nagsasabing hindi na dapat sila magtinda sa lugar kung saan bawal bagkus ay humanap sila ng lugar na maaari silang magtinda dahil para sa kaligtasan din nila ito. Malamang siguro ay nagtitinda sila sa gilid ng kalsada na lubhang mapangÄnib at nakakaabala sa trapiko.