Para sa mga Motorista: Mag-ingat sa kakaibang modus ito.

Local News
Para sa mga motorista ,mag ingat lalo na sa pagdaan sa mga eskinita at hindi mataong lugar, upang hindi matulad sa isang rider na nasugatan ang kanyang leeg habang siya ay nagmamaneho ng motor. Ayon sa kanyang post, siya ay napadaan sa may C3 San Diego St ganap na 8:30 ng gabi., nang maramdaman niyang mahapdi at parang nasugatan ang kanyang leeg, dahil sa may tali na nakaharang sa kanyang dinaanan, hindi raw agad ito mapapansin ng mga motorista dahil sa nipis at madilim ang lugar. Ayon sa kanya, ito raw ay modus ng mga masasamang tao na balak mang-agaw ng motor.

 

Ito ang naturang post ng rider na si Saronaj Kramyer: “Rs mga paps. 8:30pm along C3 sandiego st.. may tali na nakaharang. Hindi mo siya ma’-papansin kasi madilim. naramdaman ko agad na na’sugatan na yong leeg ko. . Muntik na ko matumba sa motor Kapag natumba motor mo sigurado agaw motor gagawin nila.mabuti na lang Alert kamay ko nahawakan ko agad yong tali sa leeg ko na alis ko agad At mabuti nalang mabagal lang takbo ko..kailangan laging alert. . Lalo na delikado sa panahon ngayon.wag na wag kayong huminto. oras na mangyari sa inyo to. Wag masyadong mabilis magpatakbo ng motor.
Ride safe. Po tayo
.”

Maging alerto at mag doble ingat habang tayo ay nasa daan upang maiwasan at mapaghandaan natin ang mga ganitong pangyayari.