Patay na ginang sa barotac, Nuevo Iloilo bigla raw nabuhay?!

Local News

Ibinahagi ng sikat ng palabas sa GMA7 na Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) ang isang Patay na ginang sa barotac, Nuevo Iloilo bigla raw nabuhay?!

“Pagkagising ko, nagne-nebulizer ‘yung asawa ko. Sinumpong kasi siya ng asthma.
Tapos nawala na ‘yung hininga niya.
Nanigas na ‘yung katawan niya.
Nangitim na ‘yung mga kuko niya. Nanlamig na ‘yung buong katawan niya!
‘Yung katawan niya, nanginig na at umihi na siya nang umihi!
Nagtawag na ako ng mga kapitbahay para humingi ng tumulong.
Nagsabi na rin ako sa mga anak namin na wala na ang nanay nila.
Nag-iyakan na sila.

Sabi ko, ipagdasal na lang natin na bumalik ‘yung buhay niya.
Mga isang oras ang lumipas, biglang dumilat ‘yung asawa ko!
Nabuhay siya!”
-Zaldy,
asawa ni Violeta
“Wala na talagang pulso!
Nagpa-panic na silang lahat. Bilang midwife, na-conclude ko na namatay na talaga siya. Halos isang oras na siyang walang oxygen eh!
Patay na talaga si Violeta nu’n!

Nag-iyakan na kami.
Tapos bigla na lang siyang dumilat! Hindi kami makapaniwala. Nabuhay siya ulit!
-Lorena, hipag ni Zaldy