Pinagkamalang ng nakaw, Pinatay ng pulis!

Local News

Patay ang isang ama matapos umanong mapagkamalan at barilin ng isang pulis nitong January 02 sa Sta. Rita, Pampanga.

Nakilala ang biktima na si Federico “Tek” Pineda na kagagaling lang sa birthday ng kaniyang anak nang pagbintangan ni Corporal Eframe Ramirez na nanaksak at nagnakaw sa isang computer shop.


Pinakulong na ni Gov. Dennis Pineda si Ramirez habang iniimbestigahan. Nanawagan ng hustisiya ang pamilya ng biktima.

Hindi paman nakakapag paliwanag umano si Federico ay pinaputukan na ito ng pulis, ng makailang beses na agad naman na ikanasawi ng biktima, agad naman rumesponde ang kapulisan sa pinangyarihan at sinabing positive na si Federico nga ang sinasabing nakasaksak at nagnakaw sa loob ng computer shop.
Ngunit pinabulaan ito ng mga saksi dahil may mga ibedensiya ang mga kaanak ng napatay ng mga pulis na si Federico ay galing sa birthday ng kaniyang anak at pauwi na sana ito ng sitahin ng pulis, lumabas din sa imbestigasyon ng SOCO na ang alibi ng mga pulis ay maling-mali sa sinasabi nito sa kanilang report, at napatunayan na si Federico ay napagkamalan lamang ng pulis.