Pinay domestic helper sa Saudi pinagpapal0 ng amo

Local News

Isang Filipina sa Saudi Arabia ang makailang beses na pinalo at pinagbuhatan ng kamay ng kanyang among lalaki. Ang pangyayari ay nakuhanan mismo ng video.

Sa isang video na ibinahagi online, makikita ang isang babae sa nasa kusina at may niluluto. Ngunit ilang sandal lamang ay pumasok ang kanyang among lalaki at galit na galit.

Nakuha mismo ng tinagong telepono ng biktima ang video kung saan pinagpapalo siya ng kanyang amo ng walis sa likod at pinagpapalo pa ito sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Sa una ay halatang umiiwas lamang ang Pilipina sa kanyang amo ngunit nagsisigaw na ito at napilitan na siyang sumagot.

Ang among lalaki ay hinihinalang nagalit nang matagal umanong nakapagluto ang biktima ng pagkain.

Sa isa pang larawan, makikita ang pasa sa bahagi ng katawan ng babae at sa kanyang kamay na aniya, pinalo ng tubo ng kanyang amo.

Naghihingi ng tulong ngayon ang biktima na makaalis sa bahay ng kanyang amo sa takot na ulitin muli nito ang pananakit sa kanya.