Pinay OFW, nahuli ng amo na dinudukutan sila ng pera

Local News

Hindi madali ang magtrabaho sa ibang bansa dahil bukod sa malayo ito ay malayo ka din sa iyong pamilya.

May mga oras talaga na susubukin tayo lalo na sa problemang pinansyal tulad ng isang Pinay OFW na ito na nahuli ng kanyang amo na dumudukot sa pera ng amo niya ang dahilan daw ay para sa kanyang anak.

Umiiyak ang pinay habang kinakausap siya ng kanyang mga amo, tinatanong siya kung ilan beses niya ito nagawa at gulat nila na hindi lang pala ito isang beses ginawa kung hindi madaming beses na.

Sinabi ng amo na lalaki na alam na niya pag nawawalan siya ng pera at ngayon inulit na naman ng Pinay OFW.