Pulis, Inabutan ng Pera ang Isang Lola na Nagtitinda ng Gulay Para Umuwi at Magpahinga na Lamang!

Local News
May ilan man sa ating mga kapulisan ang nakakagawa ng hindi maganda sa ating mga kababayan ay marami pa rin ang mga pulis na may pus0ng mamon. Matapang man sa kanilang mga gampanin bilang mga Pulis ay malalambot naman ang kanilang mga pus0 pag dating sa mga taong nangangailangan ng tulong lalong lalo na sa mga matatanda.

Isang post naman ang ibinahagi ng Tambayan NG PULIS facebook page nitong Agosto 9. Mapapansin sa larawan kung paano inabutan ng Pulis ang isang Lola ng pera.

Ayon sa ulat, binigyan ni PLT Rafael N Abuan ng pera ang isang lola na naglalako ng mga gulay sa isang lugar sa Aurora. Binigyan niya ito ng pera para umuwi na at mamahinga na upang hindi na masyadong mapag0d ang matanda.

Dahil dito ay marami ang sumaludo at napahanga sa Pulis dahil sa pagiging mabuti nito at pagmamalasåkit sa matanda. “I love him because he has a huge heart to our elderly. I salute you sir! Super hanga ako sayo. Hindi ka lang tall dark and handsome napaka buti ng kalooban mo. Keep up the wonderful and anazing deeds for our elderly.. Godbless you po,” ani ni Yon Yon L Gulle sa kanyang komento.

Narito ang naturang post:

Umuwi ka na po lola. Pulis ng Dipaculao MPS, Aurora PPO, nakilalang si PLT RAFAEL N ABUAN, nakita ang isang ginang na nagbebenta ng gulay, dahil sa banta ng COVID19, inabutan nito ng pera upang umuwi na lamang, at mag pahinga na lamang sa bahay at hindi na mapagod pa!
SALAMT SA IYO SIR..