Pulis sa Benguet, Naging Instant Baby Sitter Habang Namamalengke ang Ina ng Sanggol!

Local News

Marami ang humanga at sumaludo sa isang Policewoman sa Benguet matapos na maging isang instant baby sitter. yon sa ulat, ang ina ng sanggol ay napilitang isama ang kanyang anak dahil wala umano siyang ibang pagpipiliian. Hindi naman nabanggit ang pinakadahilan ngunit naintindihan ito agad ng Pulis at siya pa mismo ang nag-alaga sa sanggol habang ang ina ay abala sa pamimili sa palengke.

Ang post ay nag-viral matapos na ibahagi ng Kabayanmps Pnp facebook page noong Hunyo 9. Kinilala ang Pulis na si PCpI Nimfa B Camis. Inalok niya ang ina na siya na mismo ang mag-aalaga pansamantala sa sanggol.

Sa panahon natin ngayon ay mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng mga bata lalong lalo na ang mga sanggol. Ngunit, marahil ay may dahilan talaga ang ina kung bakit niya isinama ang kanyang anak na sa kabutihang palad ay naunawaan ito ng Pulis na sakto namang nag-iinspeksyon sa mga oras na iyon.

Narito ang naturang post:

“When the Tiongsan Rolling store came into our Municipality, residents took the opportunity to purchase their neccesities and provisions and the Kabayan MPS personnel conducted police presence in order to remind the customers to maintain public health standards and provided security assistance as well. It was during this time that PCpl Nimfa B Camis spotted a mother carrying her baby who wished to purchase her groceries. Upon interviewing the mother why she brought the baby with her as it is not supposed to be considering our current situation, she narrated her circumstance and condition. PCpl Nimfa B Camis offered to carry the baby instead until the mother finished procuring her needs.”