Pulis sa viral video na pumatay sa mag ina, Sumuko na!!

Local News

Sumuko na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca, ang pulis sa viral video na naaktuhan ang pamamril sa nakaalitang kapitbahay na sina Sonya Gregorio, 52 at Frank Anthony Gregorio, 25.

Nalaman na nag-umpisa umano ang di pagkakaunawaan nang magpaputok ng boga ang isa sa mga biktima dahilan upang lumabas ng bahay si Nuezca.

Base sa ulat ng GMA News na nakapanayam kay Police Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa, ayaw munang magsalita ng suspek at sa korte na lamang umano siya magpapaliwanag. Subalit nabanggit nitong nagsisis umano siya sa nagawa sa mag-ina.

Paranaque Police, Kumitil ng buhay ng mag-ina dahil sa spoiled brat na anak

ti umanong iringan ng magkabilang panig tungkol sa ‘right of way’.

Subalit ang tinitingnan ding dahilan di umano ng rektang pamamaril ay nang makisali na sa gulo ang anak ng pulis na sinagot ng isa sa mga biktima ayon sa News5

Base sa mga saksi, kaswal lamang na umalis ang pulis sa pinangyarihan ng krimen kasama ang kanyang anak at mag-isa nang sumakay sa motor at umalis muli.

Narito ang aktwal na video ng viral na pulis, kayo na ang humusga!

6:19 ng gabi ng Disyembre 20 sumuko sa Pangasinan Municipal Police ang suspek na dinala naman sa Paniqui Municipal Police.

Napag-alaman ding naka-destino ang suspek sa ParaƱaque City crime laboratory at umuuwi lamang sa kanyang pamilya sa Tarlac.

Mahaharap ito sa kasong double murder.

Dahil sa insidenteng ito, nagpaalala naman ang hepe ng Paniqui police na nararapat pa rin umanong umiral sa mga kapulisan ang maximum tolerance. May tamang proseso naman daw na dapat gawin at last resort na ang paggamit ng baril.

Hustisya para sa mag ina na pinatay ng PULIS

Mag ina sa paniqui tarlac ….binaril at napatay ng pulis…

Posted by OFW JOIN FORCE – Philippine Chapter on Sunday, December 20, 2020