Riders ng Food Panda, Nakakuha ng Ebidensya Laban sa Ginagawang Panloloko ng Kanilang Customer

Local News

Isa ang mga delivery riders sa front liners dahil sila ay humaharap din sa iba’t-ibang tao para lamang maihatid sa mga customers ang order nila.

Isang customer naman ng Food Panda ang nakuhanan ng video ng rider na si Ramjun Enecito. Ayon sa rider, ilang ulit na nilang naging customer ang lalaki, ngunit paiba-iba siya ng ginagamit ng pangalan dahil diumanong nirereklamo niya ang mga rider.

Galit na ipinaliwanag ng rider sa customer na mali ang ginagawa nito sa mga riders na nakakapag-deliver sa kanya. Minsan pa raw ay sinasabi niyang wrong order ang dineliver sa kanya. Ang ginagawa niya sa mga rider ay nagiging sanhi ng pagpapatanggal sa kanila ng trabaho dahil sa pagrereklamo na ginagawa ng lalaking nasa video.

Ang mga riders ay nagtatrabaho ng marangal at nagseserbisyo sa mga tao. Marami naman ang netizens na nagalit sa customer dahil dapat daw ay parusahan siya sa kanyang ginawa. Sa pakikipag-usap ng rider ay hindi na nagawang magsalita pa ng customer.

Magsilbing aral ito para sa ilang customers din na gumagawa ng mali sa mga riders. Huwag itong gagayahin para lamang makakuha ng voucher o discount sa mga inorder.