Rosemarie Tan, buong tapang na ipinakita ang dati niyang itsura sa mga netizens: “

Local News

Aktres at vlogger na si Rosemarie Tan o mas kilala sa kanyang palayaw na Rosmar, ipinakita sa mga netizens ang kanyang dating istura matapos pag usapan sa social media ang malaking pagbabago sa kanyang mukha.

Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ni Rosemar ang naranasan niyang paghihirap dahil sa kanyang dating itsura.

Ayon sa kanya ay simula pa noong elementary hanggang college ay hindi na siya tinantanan ng panglalait dahil sa dati niyang itsura.

Minsan ay naisip niya narin na tapusin ang kanyang buhay dahil nga sa walang tigil na pambubuska sa kanya.

Hindi naman siya sumuko at naisipan niya na i-makeover ang kanyang sarili.

   

“Nag pa braces ako, 10 years! oo isang dekada bago naayos ngipin ko. dalawang ngipin sungki, nung naibaba naging usngal, anak ng tinapang buhay to,” kwento ni Rosmar.

“Nung natanggal ang braces ko, naemphasize ang ilong ko. sinabayan pa na from 59 kilos bumaba ng 46kilos ang timbang ko,” dagdag niya pa.

Ngunit kahit daw na madami na siyang ipinagawa ay hindi padin daw tumigil ang mga taong humuhusga sa kanya at tinatawag naman siya ngayon na ‘retokada’.

“Akala ko pag gumanda ako kahit paano makakatakas na ako sa mundong mapanghusga, pero hanggang ngayon suki pa rin pala,” sabi niya.

“Ang sakit sa pakiramdam na pagtawanan ng mga kapwa ko “TAO” At to the point na husgahan ka pang retokada ng mga tao na nakapanuod ng content ng mga kapwa ko creator,” dagdag niya pa.

“Inalagaan ko at minahal ang sarili ko para sana mabawasan o mawala ng judgements pero still, Nasa mundo nga pala ako na puno ng panghuhusga,”