SANDAMAKMAK NA FOOD PACK IPAPAMIGAY NI YORME.

Guide, OFW News

Handa na po ang mga Christmas food packs para sa 650,000 pamilyang Manileño sa darating na kapaskuhan. Dito po sa mga litrato na ito, ininspeksyon natin kanina ang mga food boxes na nakahanda sa storage area ng Pritil Market, isa sa maraming warehouses kung saan nakalagay ang ating mga food boxes para sa mga pamilyang Manileño. Video credit to: Manila City Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, handa na ang mga ibibigay na food packs para sa darating na Kapaskuhan.

Aabot sa 650,000 pamilyang Manileño ang mabibigyan ng food packs.

Isa lamang ang Pritil Market sa maraming warehouses kung saan nakalagay ang food boxes para sa mga pamilyang Manileño.

Nais aniya ng Pamahalaang Lungsod na may mapagsaluhan ang bawat pamilya sa Maynila ngayong Pasko.

Kabilang sa mga ipamimigay ang spaghetti, macaroni at iba pa.

Bukod dito, may handog ding karagdagang gift packs at limang kilo ng organic rice ang lokal na pamahalaan para sa bawat sa senior citizen nito.

“Lucky for you if you are a senior, very expensive and very nutritious ang rice para sa inyo. Ang good news, bibilhin natin sa Mindanao itong black rice o red rice,” pahayag ni Mayor Isko.