Sangg0l, May ‘Skin Condition’; Nangangailangan ng Tulong Pinansyal!

Local News

Mas mahiråp para sa isang ina ang makita ang kanilang anak na may karamdaman. Mas nanaisin pa nila na sana ay sila na lamang ang makaramdam kung ano man ang paghihiråp na nararamdaman ng kanilang anak. Lubhang nakakahabag ang kalagayan ng sangg0l na ito na tila mayroon siya ‘skin condition’.

Nananawagan naman ng tulong ang tita ng sangg0l sa mga netizens. Ayon sa facebook post ni Rica Flores, tita ni Baby Athena, humihingi sila ng tulong para sa karamdaman ng kanyang pamangkin na si Baby Athena Khate Barao Bautista, anak nina Windie Flores Barao at Mark Bautista. Nais sana nilang maipagam0t ang kanilang anak ngunit wala silang sapat na pera.

Naisip naman ni Rica na ibahagi ang nakakaawang kalagayn ni Baby Athena dahil nagbabakasali siyang may tumulong sa sangg0l. Narito ang kanyang facebook post na ibinahagi ng Heaven Elemens facebook page noong Abril 25. Makikita sa naturang post ang ilang impormasyon para sa mga nais na mag-abot ng tulong kay Baby Athena.

“Magandang araw po sa ating lahat Kami po ay kumakatok sa mabusilak nyong kalooban humihingi po kame ng inyong tulong upang maipagamot ang aking pamangkin Na si ATHENA KHATE BARAO BAUTISTA ANAK PO NI Windie Flores Barao AT MARK BAUTISTA Sana po matulungan nyo po ang aking pamangkin para po siya ay maipagamot lubos po kaming nagpapasalamat sainyo God bless po And keep safe To god be the glory”