Sanggol na Halos But0’t Balat na, Nangangailangan ng Tulong!

Local News

Malaking tulong sa mga tao ang makabagong teknolohiya gaya ng cellphone at internet. Dahil dito ay maaari silang magbigay ng tulong at humingi ng tulong lalo na kung salat sa buhay. Marami na din ang nakakapag-abot ng tulong sa mga nangangailangan gaya na lamang ng sanggol na ito na matatagpuan sa Tatay Rizal na may malubhang karamdaman.

Ayon sa facebook page ng Heaven Elements noong Abril 25, may isang sanggol ang diumano’y nangangailangan ng agarang tulong. Kinilala ang sanggol na si Baby Bacanii na nakatira daw umano sa Vazquez St., Bangid, Taytay Rizal. Kumakatok sila sa pus0 ng mga tao na sana ay matulungan ang sanggol na halos but0’t balat na.

Salat sila sa buhay at wala umanong kakayahan ang mga magulang ng sanggol na maipagam0t ang kanilang anak. Nananawagan din sila na sana ay maipaabot ito sa kanilang pamunuan.

“Mga Pards, siya po baby Bacanii. Siya po ay nakatira sa Vazques St. Bangid, Taytay Rizal. Paki tulungan naman po si baby na hirap na hirap sa kanyang kalagayan. Wala pong kakayahan ang kanyang mga magulang sa pagpapagamot sa batang iyan.”

“Sana po makita ito ng mga kinauukulan. Maraming salamat po sa page ninyong Matalinong Matsing at sana mahanapan ninyo siya ng may mabusilak na puso na gustong tumulong. Pakishare po ito lalo nasa mga taga Rizal para siya’y ating matulungan. Salamat po”

Sana ay may mabuting kalooban na mag-abot at magbigay ng tulong sa sanggol dahil lubhang nakakaawa ang sitwasyon niya.