Sanggol, Nakumpirmang Napalitan sa Ospital Dahil sa Resulta DNA test

Local News

Negatibo ang resulta ng isinagawang DNA test sa sanggol na sinasabing napalitan umano sa ospital. Sa tulong ng programa ni Jessica Soho, nakumpirmang napalitan nga ang sanggol na ngayo’y nasa pangangalaga nina Aphril at Marvin.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga magulang ng sinasabing kapalitan nila ng anak – Hinihintay na lamang umano nila ang resulta ng unang DNA test na ginawa nila upang makumpirmang negatibo talaga ito bago i-proseso ang pagbabalik ng kanilang anak.

Kaya naman laking gulat nila nang makitang marami ang pagkakaiba ng sanggol na tuluyang ibinigay sa kanila. Maging ang tiya ni Aphril ay napansin din ang mga pagkakaiba sa itsura ng sanggol kaya naman lalo silang naghinala.

Umamin na rin ang isang nurse sa ospital na may nahulugan umano ng baby tag na tila tumugma naman sa isang napansin nina April na iba ang impormasyon ng tag ng sanggol na nasa kanila.

Kaya naman para makasiguro, nagpa-DNA sina Aphril at hawak nilang sanggol. Sa tulong ng Kapuso mo, Jessica Soho, mas napabilis ang resulta ng ikalawang DNA test kung saan lumabas na negatibo at hindi nga anak nina Aphril at Marvin ang inaalagaan nilang sanggol.

Watch video here