Security Guard, Tinulungan ang isang buong mag-anak para makauwi sa kanilang probinsya

Local News

Guys! pasikatin natin itong security guard, sya po yung tumulong dito kina tatay at sa mga anak nya, galing po ang mag-aamang ito sa Manila.

Uuwi dapat silang Lemery, pero mali sila ng nasakyan nakarating po sila sa San Pablo Laguna tatlong araw na po silang naglalakad sa Tanauan dahil wala na po silang pamasahe.

Mabuti na lang nagtanong itong batang babae na panganay ni kuya sa security guard kung saan daw papuntang Lipa.

Tinuro naman ni kuyang guard yung sasakyan nila papuntang Lipa pero nalaman ni kuyang security guard na wala na pala silang pera pamasahe dahil nagkamali ng nasakyan at nanghihingi na lang po sila ng pagkain sa isang canteen.

Kaya naawa itong si security guard at binigyan nya ng pagkain si tatay at mga anak nya, sabi ni tatay namatay daw po yung asawa nya sa Lemery kaya uuwi daw po sila doon,

Naiyak si kuya ng guard sa nangyari sa kanilang pag-uwi at sa sinapit ng asawa nyakaya binigyan nitong security guard si tatay ng pamasahe at konting pasalubong para makauwi na sa Lemery Batangas.Saludo kami sa’yo sir..

God bless you sana marami pang katulad mo.