Sen. Pacquiao, Nagbigay ng $100 sa Isang Pulubi sa Amerika!

Local News

Si Manny “Pacman” Pacquiao ay hindi lamang kilala sa ating bansa kung hindi maging sa buong mundo. Siya ay lubos na nakilala ng marami sa larangan ng boxing. Sa katunayan ay hindi lamang ang mga Pilipino ang humahanga sa kanya dahil maging ang mga banyaga ay inidilo siya. Kasalukuyan namang nakapwesto si Pacquiao bilang isa sa mga Senador sa Pilipinas.

Viral naman ngayon ang isang video ng pagbibigay ng pera ni Sen. Pacquiao sa isang homeless na amerikano.

Makikita sa video kung paano inabot ng Senador ang pera sa lalaki at agad naman siyang nakilala ng lalaki. Ang halagang binigay ni Sen. Pacquiao ay $100 o Php5,000 na lubos namang ipinagpasalamat ng lalaki.

Kaya naman, hindi maipaliwanag ang saya ng lalaki dahil bukod sa binigyan siya ng pera ay nakta niya ang sikat na boksingero sa buong mundo.

Lubos din ang pasasalamat ng lalaki at sinabi pang panalo si Sen. Pacquiao laban sa isa ding boksingerong si Floyd Mayweather Jr.

“On the streets, everybody says, ‘you fuc ked up Floyd Mayweather,” ani ng lalaki.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa video lalo na ang mga kababayan nating Pilipino dahil tila proud na proud sa ating kapwa Pilipino na si Sen. Pacquiao.

Ayon sa ilan, hindi lamang ang pangalan ni Sen. Pacquiao ang dala-dala nito dahil maging ang ating bansa ay bitbit niya at talagang maipagmamalaki sa ibang bansa.

Narito ang video: