Senior citizen, Pumanaw habang nakapila sa community pantry ni Angel Locsin

Local News

Isang senior citizen ang kinilalang si Rolando Dela Cruz ang hinimatay habang nakapila sa community pantry ni Angel Locsin, dinala agad ito sa pinaka malapit na pagamutan ngunit diniklara agad ng mga doctor na dead on arrival ang matanda.

Kwento ng kaanak ng nasawing matanda pasado alastres palamang ng madaling araw ay maaga nang pumila ang matanda upang maaga itong makauwi ngunit hindi nito aakalain na pag-dating nito sa community pantry, ay mahaba na agad ang pila kaya nag tyagang pumila ang matanda, at inabot na ito ng umaga ay hindi parin ito nakakakuha ng makakain sa community pantry, pagod at gutom ang dahilan kung bakit hinimatay ang matanda, dahil magtatanghali na nuon ay nasa pila parin ang ito.

Bukod paruon ay hindi rin aakalain ng marami maging si Angel Locsin na dadag-sain ang kaniyang community pantry na ang hangarin lamng ay makatulong at maibsan ang nagugutom ngayong nasa gitna tayo ng pandemia ngunit tila’y hindi naging maganda ang takbo nito.

Hati naman ang reacksyon at kumento ng mga netizen ukol dito may mga nagsasabing na sana’y nag bahay-bahay nalamang si Angel Locsin upang maiabot ang kaniyang tulong sa mga nanga-ngailangan.

Mayroon namang nagsasabing na sana raw ay magkaroon ng senior citzen lane, upang mapadali ang kanilang pagpila.