“Siguro biyaya ito ng Diyos dahil, Tatlong buwan kami walang huli”

Local News
Sa lugar ng Naujan Oriental Mindoro, Nagkagulo ang mga tao dahil sa hindi inaasang huli ng mga isda nuong araw na iyon. 

 

Kwento ng isang nakakita “Parang kumukulo na ‘yung dagat sa sobrang dami ng isda! Siguro biyaya ito ng Diyos.” 

Kwento pa ng isang mangi-nisdang si Ralf nanghihingi naraw talaga sila ng himala dahil isang buwan na silang inaalat sa pangi-ngisda, Hanggang umaga nitong Lunes.

 

Kwento niya “Nagulat po kami sa dami ng isda! Dahil mga dalawa o tatlong buwan na po kaming walang huli rito. Nasa 2 tons po lahat-lahat ng nahuli namin noon. Kasama na po ‘yung naipamigay sa mga tao.” 

 

Hindi magkamayaw ang mga tao sa paligid dahil sa nasaksihan nilang mga isda, na halos aabot ang kanilang nahuli sa 2 toneladang tulingan ang kanilang nahuli nung araw din iyon. 

 

Saad ng ilang residente “Yung nakuha namin, ginawa naming adobo. ‘Yung iba, inihaw namin. ‘Yung iba naman ho, gumawa ng sinaing na tulingan. Biyaya talaga ito na nagkaroon kami ng libreng pang-ulam”