Sikat na vlogger na si Steven Bansil, nawalan ng hanap buhay dahil sa isang video ni Sir Raffy

Local News

Nang dahil kay Raffy Tulfo, sikat na vlogger na si Steven Bansil wala ng hanap bu’hay!

Sa panahon ngayon, marami ang nag-iisip ng paraan kung paano sila kikita ng pera.

Upang ipang-tustos sa kanilang mga gastusin at para na din maitaguyod ang kani-kanilang pamilya.

Sa hirap ng bu’hay ngayon lalo na’t may pandemya ay talaga namang kahit ano ay gagawin para lamang magkaroon ng income.

At ito nga ang ginagawa ngayon ng mga social media influencers.

Hindi na lang hobby para sa mga content creators ang vlogging, pinagkakakitaan na rin kasi ito.

Dagdag pa na talaga namang maganda ang kinikita ng mga vloggers kumpara sa mga pangkaraniwang trabaho lang.

Kagaya ng ibang artista,ang vlogging na nga ang naging alternative job nila dahil sa mahina pa rin talaga ang trabaho ngayon sa showbiz.

At isa sa mga sikat na vloggers na sinusubaybayan ng madalng pipol ay si Steven Bansil. Ito ay dahil sa mga kuwela niyang videos na talaga namang patok sa mga netizens.

Nakakapagbigay kasi siya ng saya sa kanyang mga followers, tila nalilimot ng mga ito ang kani-kanilang problema.

Tuwing pinapanood nila ang mga nakakatuwang video parody ni Steven Bansil.

Ngunit kamakailan lamang, isang nakakalungkot na balita ang ibinahagi ni Steven sa kanyang Facebook post.

Saad niya, ay nawalan daw ng saysay ang kanyang pinaghirapan.

Nademonitized kasi ang kanyang page ng dahil sa isang video clip ng Raffy Tulfo In Action na ginamit niya.

Aminado naman si Steven na may pagkakamali siya dito ngunit ng dahil sa copyright claims ng kampo ni Tulfo ay wala na ang kanyang bread and butter.

Aniya tatlong taon niyang pinaghirapan ang kanyang page at ng dahil lang sa isang pagkakamali ay mawawala ang lahat ng ito.