Siyam na Sanggol, Iniluwal ng 25-anyos na Babae sa Morocco!!

Local News

Kung sisilipin natin ang mga nagiging karanasan ng isang ina, ay kabilang dito ang magbuntis at manganak. Batay sa kanila ay tunay na mahirap nga, ang magbuntis at manganak ng isang sanggol. Kung mahirap na ang panganganak ng isang sanggol, ano pa kaya kung siyam na sanggol??

Dahil sa bansang Morocco ay hindi lang isa, o dalawang sanggol ang iniluwal ng 25-anyos na Halime Cisse, kundi siyam na sanggol. Ayon sa impormasyon ay ibinyahe na si Halime Cisse, na tinatayang 25 weeks pregnant noon, mula Mali patungong Morocco upang doon na ipagpatuloy ang kanyang pagbubuntis.

Pitong sanggol lamang ang unang inaasahang iluwal ni Halima, pero laking gulat nila ng malamang mayroon pang dalawang sanggol, sa isinagawa ulit na ultrasound. Mula noon ay pinagpasyahan na ng mga doktor doon, na sa ika-30 weeks na ng pagbubuntis ni Halima isagawa ang operasyon, upang mabigyan ng panahon na makapagdevelop ang iba pang sanggol, sa kanyang sinapupunan.

Limang lalaki at apat na babaeang ligtas na iniluwal ni Halima sa pag tutulungan ng mga empleyado ng nasabing ospital sa Morocco. Maganda na umano ang lagay ni Halima, subalit kailangan nya munang mamalagi sa ospital, dahil kasi sa labis na pagka banat ng kaniyang bahay bata ay nagkaroo umano sya ng hemorrhage.

Hindi kailangan pang alalahanin ni Halima, ang kaniyang pambayad sa ospital dahil sasagutin na ng gobyerno ng Mali ang lahat ng gastusin. At tinatayang posible ding masungkit ni Halime, ang bagong Guinness World Record sa kategoryang may pinaka maraming nailuwal na sanggol.