Sundalong nasabugan ng granda, hirap ipaliwanag sa pamilya ang sinapit

Local News

“Lord, hindi ko pa time. Kaya ko pa ‘to. May naghihintay pa sa akin.”
Ito ang pumasok sa isipan ni Sgt. Ariel Reyes habang nakahiga sa lapag. Sumabog kasi ang bitbit niyang granada sa gitna ng engkwentro.

“Pagtingin ko sa kaliwang kamay ko, wala na. Pati yung kanan ko injured na rin… Yung dugo ko grabe yung pagtagas.”

“That time, ayoko nang pumikit. Ayoko talagang manghina. Baka pagpikit hindi na ako magising.”
Pero ang pinakamasakit sa kanyang sinapit ay ang ipaintindi sa 3-anyos na anak kung bakit siya naputulan ng braso.

“Parang na-shock siya. Ayaw niya lumapit.”
“Sinabi ko lang sa kanya na ito ‘yung trabaho ko. Kino-comfort ko siya na ‘tanggapin mo na ito ‘yung nangyari. At least buhay ang papa mo.’”

“Pero mahirap tanggapin na hindi ko na mabuhat ‘yung anak ko gamit ‘yung mga kamay ko.”
Abangan ang kanyang kuwento ng pag-asa at pagmamahal sa pamilya sa
Stories of Hope bukas, 11:30 PM, sa GMA!